Kumuha ng Libreng Legal na Tulong
Online
Tumawag/Sa Telepono
Heneral Pagtatanong
Tumawag sa 800-399-4529, Lunes hanggang Biyernes, 9:00 ng umaga – 12: 00 ng tanghali, o Lunes hangang Miyerkules 1:00 – 4:00 ng hapon. Kung tumawag ka sa LAFLA at marinig ang isang naka-rekord na mensahe, mangyaring mag-iwan ng isang mensahe at ibabalik ang iyong tawag sa lalong madaling panahon.
Mga Klinika ng Domestikong Karahasan
Tawagan ang Hotline ng Domestikong Karahasan (Domestic Violence) ng LAFLA: 800-399-4529 ekstensyon 8097 tuwing Biyernes mula 9:00 ng umaga – 12:00 ng tanghali at 1:00 – 3:00 ng hapon. Mayroon din kaming isang birtual na klinika sa domestikong karahasan mula 9:00 ng umaga – 12:00 ng tanghali sa pamamagitan ng Zoom, tuwing Martes at Huwebes. Tumawag sa 800-399-4529 (walang extension) para sa tulong.
Sariling-Tulong Sentro ng Legal na Akses
Ang mga litigante ay maaaring tumawag sa aming sariling-tulong na kawani sa 213-235-0060, 8:30 ng umaga – 12:00 ng tanghali, Lunes-Biyernes, at 1:00 – 4:30 ng hapon, Lunes-Huwebes. Para sa tulong sa iba pang mga isyu, mangyaring tumawag sa 800-399-4529 o tingnan ang aming mga mapagkukunan ng tulong sa sarili.
Hotline para sa mga Karapatan ng Manggagawang Pilipino
Mayroon ka bang tanong na legal tungkol sa mga karapatan ng manggagawa? Maaari kang tumawag sa Hotline para sa mga Karapatan ng Manggagawang Pilipino sa (323) 801-7979.
Sa Personal
Mga Tanggapan ng Komunidad
Bukas Lunes hanggang Biyernes, 9:00 ng umaga – 5:00 ng hapon. Tingnan ang mga lokasyon.
Mga Klinika ng Domestikong Karahasan
Downtown LA at Long Beach: Bukas Lunes at Miyerkules, 9:00 ng umaga – 12:00 ng tanghali at 1:00 – 3:00 ng hapon
Tingnan ang mga lokasyon.
Santa Monica: Bukas Lunes, Miyerkules, at Biyernes, 8:30 ng umaga – 11: 00 ng umaga
Tingnan ang lokasyon.
Sariling-Tulong Sentro ng Legal na Akses
Ang mga sentro ng sariling-tulong ay kasalukuyang bukas upang magbigay ng “walk-in” na tulong sa mga litigante na kinakatawan ang sarili at may mga labag sa batas (unlawful) na detainer na mga sagot at kautusang pagpigil (restraining order) at mga tugon. Tumawag bago bumisita: 213-235-0060, 8:30 ng umaga – 12:00 ng tanghali, Lunes-Biyernes, at 1:00 -4:30 ng hapon, Lunes-Huwebes. Tingnan ang mga lokasyon.
Stay Housed LA
Nagagalak ang LAFLA na maglingkod sa mga umuupa bilang bahagi ng Stay Housed LA. Ang bagong programang ito ay nagbibigay sa mga umuupa sa buong County ng Los Angeles ng impormasyon tungkol sa kanilang mga karapatan at nag-uugnay sa mga legal na tulong. Lubos naming hinihikayat ang mga umuupa na makipag-ugnayan sa Stay Housed LA kung mayroon kayng mga tanong tungkol sa inyong mga karapatan (tungkol sa mga pagpapaalis, landlord harassment, tulong sa pag-upa, at higit pa) at/o kailangan ng legal na representasyon. Pumunta sa www.stayhousedla.org o tumawag sa (888) 694-0040. Kung mayroong mga karagdagang legal na tanong, mangyaring tumawag sa (833) 225-9415.
Tulong na Agaran
Kung ikaw ay nasa agarang panganib, mangyaring i-dial ang 911.
Kung kailangan mo ng emergency shelter, tawagan ang National Domestic Violence Hotline sa 800-799-7233 o ang Center for the Pacific Asian Family sa 800-339-3940.
MAG-CLICK DITO PARA MAKAALIS NA MABILIS SA SITE NA ITO
Paano Ako Magiging Kwalipikado?
Ang Los Angeles Legal Aid Foundation ay sumusunod sa mga pederal na ordinansa sa kahirapan at tumutulong lamang sa mga taong mababa ang kita. Ang mga taong may kita na mas mababa sa 125% ng mga pederal na ordinansa sa kahirapan ay karapat-dapat at maaaring maging kwalipikado para sa tulong. Gayunpaman, kung minsan ang mga taong may mas mababa sa 200% ng mga pederal na ordinansa sa kahirapan ay maaaring maging kwalipikado. Tawagan ang LAFLA sa 800-399-4529 upang makita kung ikaw ay kwalipikado.
Sa aming mga self-help center, matutulungan namin ang sinuman anuman ang antas ng kita.
Mga serbisyo
- Asian Pacific Islander Community Outreach: Mga serbisyong sa wika para sa mga kliyenteng API.
- Karahasan sa Tahanan/ Batas Ukol sa Pamilya: Mga restraining order o utos sa pagpigil, mga utos para sa kustodiya, paglusaw ng kasal, pagbisita, at suporta.
- Pagtatrabaho: Hindi binayarang sahod, mga benepisyo sa kawalan ng trabaho, maling pagtatanggal sa trabaho, mga gawaing may diskriminasyon sa pagtatrabaho.
- Pagtatanggol laban sa Eviction: Mga maling pagpapaalis, mga isyu sa subsidized na pabahay, mga kondisyong masama sa pabahay (“slum”), kontrol sa upa.
- Pagtanggal ng kriminal na rekord o Expungement: Tanggalin ang mga nakaraang kriminal na konbiksyon.
- Mga Benebisyo ng Gobyerno: Mga benepisyo para matugunan ang mga pangunahing pangangailangan (pagkain, tirahan, pangangalagang medikal, atbp.), kabilang ang CalWORKs, CalFresh, CAPI, Medi-Cal, SSDI at SSI, IHSS, at foster care.
- Pabahay at Kawalang-Tirahan: Abot-kayang pabahay, walang hustisyang pagpapaalis, mga karapatan ng mga walang tirahan, diskriminasyon sa pabahay.
- Imigrasyon: Mga paglilitis sa deportasyon o pagpapaalis, naturalisasyon, asylum, at iba’t ibang uri ng tulong para sa mga biktima ng karahasan sa tahanan, sekswal na pag-atake, human trafficking at iba pang krimen.
- Medical-Legal Partnerships: Mga serbisyong legal para sa mga medikal na pasyente.
- Tulong sa Nonprofit: Legal na suporta para sa mga organisasyong nakabatay sa komunidad.
- Mga Isyu sa Utang Pang-estudyante o Student Loan: Tulong sa utang na hindi mabayaran at sa pagbabayad, panloloko ng mga for-profit na kolehiyo, atbp.
- Torture Survivors Project: Asylum, legal na tulong, pamamahala ng kaso, atbp. para sa mga biktima ng torture.
- Veterans Justice Center: Mga benepisyo, pabahay, expungement, atbp. para sa mga Beterano.
Nag-aalok din kami ng ilang mga klinika kung saan maaari kayong mabigyan ng legal na payo. Mag-click dito para sa listahan ng mga klinika.
Kung pupunta ka sa korte at kailangan mong humiling ng interpreter para sa iyong pagdinig o paglilitis sa Los Angeles Superior Court, maaari kang humiling dito: http://www.lacourt.org/irud/ui/index.aspx .
Mag-click dito upang basahin ang aming brochure sa Tagalog.
Mga Kasong Hindi Namin Pinangangasiwaan o Kinukuha
Hindi pinangangasiwaan ng Legal Aid Foundation ng Los Angeles ang mga sumusunod na kasong ito:
- Batas kriminal
- Maling pag-uugali ng pulisya
- Maling pag-uugali ng abogado
- Bankruptcy o Pagkalugi
- Mga aksidente sa sasakyan
- Mga kaso sa small claims court
- Pagpapayo sa kredito
- Probate
Mga referral
Nandito ang isang listahan ng mga referral, kabilang ang mga serbisyo ng referral mula sa mga pribadong abogado na humahawak sa mga ganitong uri ng kaso.
Mga Kasong Kriminal / Maling Pag-uugali ng Pulis
National Bar Association
310-313-3700
The American Civil Liberties Union
213-977-9500
Maling Pag-uugali ng Abugado
California State Bar
800-843-9053
Sa labas ng California
800-785-1200
Bankruptcy o Pagkalugi
Public Counsel
213-385-2977, extension 704
Bankruptcy Self-Help Office Walk-in Only
300 N. Los Angeles Street, 3rd Floor, Room 3132
Los Angeles, CA 90012
Mga Oras: Lunes at Miyerkules 10:00 am-12:00pm, 2:00pm-4:00pm
Aksidente sa Sasakyan
Los Angeles Bar Association
213-243-1525
Loyola Conflict Resolution Center
213-736-1145
Long Beach Small Claims Advisors
562-491-6235
Los Angeles Small Claims Advisors
213-974-9759
Tulong sa Credit o Utang
Clearpoint Financial Solution
877-422-9040
Wills / Probate
Bet Tzedek Legal Services
(wills lang) 323-939-0506
Los Angeles Bar Association
213-243-1525
Mga Sanggunian ng Pribadong Abogado
Los Angeles Bar Association
213-243-1525
Long Beach Bar Association
562-988-1122
Korean American Bar Association
Southern California Chinese Lawyers Association
Japanese American Bar Association